BRIX POV. ANG paalam ni Mrs. Em Em, sa amin ni Gabbi Blake, ay tatlong araw lang ito sa Canada, subalit dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito dumarating. Kaya inutusan ko ang isa kong tauhan upang magtungo sa mansion Guevarra. Subalit ang sabi ng mga staff ay wala pa rin daw ang amo ng mga ito. Nagsimula na rin magtanong ang bata, kaya gumawa na lang ako ng alibi. “Alias, may lakad tayo.” “Yes, Sir GB.” "Ayaw kong paniwalaan ang aking kutob, ngunit sa palagay ko ay may hindi magandang nangyari kay Mrs. Em Em." “Sir GB, nag check na ako sa airline at confim na nakarating ng Canada si Mrs. Guevarra.” “Sa palagay mo bakit hanggang ngayon ay walang signal ang cellphone niya? Ilang beses kong sinubukan na kontakin ang kanyang numero ngunit nananatiling offline. Noong ara