MILES POV. AFTER two weeks ay pinayagan ng lumabas mula sa ospital ang aming bunsong anak. Talagang pinaghandaan pa ni Brix ang welcome party sa aming new born baby Blaze Emmanuel. Ang dalawa pa naming anak na si Gabbi Blake at Mazie Mitz, ay halos hindi na humihiwalay sa kapatid nila. “Congrats, my love.” Niyakap ako ng kaibigan kong si Evannah. Ganun din ang iba pa. Samantalang si Micah, ay walong buwan na ang tiyan. “Craig, kailan ba kayo bubuo ng pamilya ni Evannah?” narinig kong biglang tanong ni Brix, sa dalawa. Ngunit walang isa man ang sumagot sa mga ito. “Sa dami ng itatanong mo ay yon talaga?” halos bulong ko sa tenga ni Brix, sabay hila ko sa kanya palayo. “Ha? I mean bakit naman, may problema ba silang dalawa. Ang akala ko ay ayos na sila at kasal na lang ang kulang?” “