MILES POV. NANG umalis ako sa Ilocos, kinusap ko si General. Sinabi kong tapos na ang ugnayan ko sa kanila ni Chief of Staff: Montana. Dadalhin ko ang mga bata upang sa Ilocos na kami tumira. Kinausap ko rin si Micah, at napagalaman kong buntis pala ito. Hindi ako nakatiis ay pinuntahan ko si Diosdado, upang kumustahin. Dahil kahit balibaliktarin pa ang mundo ay tiyuhin pa rin siya ni Brix. Nalaman kong wala na itong kakayahang makapaglakad pa. Dahil iyon sa tinamo niyang karahasan sa kamay ng ama ni Laarni. Nalaman ko rin ang ginagawa ni Laarni, sa mansion Guevarra. Kaya ginawa ko na ang aking karapatan, pinaalis ko siya sa mansion Guevarra. Pero bago pa nangyari iyon ay ipinabalik ko ang lahat ng gamit na ninakaw niya. Kaya ako inabot ng ilang buwan bago naibalik sa dati ang man