BRIX POV. HINDI ko inaasahan na madadagdagan kami ng isa pang kapamilya. Nang magpasya ang aking asawa na dalhin si Erica, sa mansion Guevarra. Sa araw-araw na lumilipas ay mas lalo kong minamahal ang aking asawa. Ang kabutihan ng kanyang puso at pagiging mapagmahal. Hindi lang sa pamilya kundi pati na sa ibang tao. At para sa akin ay wala siya katulad. Kaya naman lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay aking ibibigay. “Mahal, ilang taon na ba si Erica?” “Fourteen years old, matanda si Blaze sa kanya ng dalawang taon.” “Gaano na raw siya katagal na minamaltrato ng mag-asawang yon?” “Magmula raw ng mamatay ang kanyang ina. Sa mga panahong iyon ay nagsimula na ang pananakit sa kanyang katawan. At nakita ko ang lamat ng latigo sa kanyang buong katawan. Kaya plano ko siyang dalhin sa derma a