CHAPTER- 6

1870 Words
THIRD PERSON SAMANTALA, malaking halagang binayad sa akin upang pumayag sa isang kasunduan. Ako si Joy, a.k.a Macy, isang mababang uri ng babae, kayang gawin ang lahat para sa mataas na ambisyon. Ngunit ngayon ay malaki ang aking problema dahil sangkot ang boyfriend ko sa illegal na droga. At naka bangga pa ng isang bata kaya kailangan ko ng pera upang ibigay sa pamilya ng nasawi. Kaya naman kahit hindi ko gusto ang inuutos sa sa anin ay kailangan kong gawin or else buhay ng boyfriend ko ang nakataya. “Siguraduhin mong tuluyan nang mawawala sa landas ko ang lalaking ‘yon.” “Copy, Madam.” Nang wala na ang amo ay biglang may nagsalita sa akin likuran. “Perfect, walang maniniwala na ikaw yan, magaling talaga ang adopted parents ng totoong Macy, ano?” “Magtigil ka at baka may makarinig sayo.” “By the way nasaan ang real Macy?” “Nasa ibang bansa na, at malamang sa mga oras na ito ay kasal na siya sa matandang yon. Ako dapat ‘yon eh disin sana ay mayaman na ako ngayon.” “Ganun talaga ang papel ng isang kagaya mo, kaya kung ako sayo ay huwag mong patayin ang lalaking pinapatumba sayo ni Madam. Magagamit mo siya, ayon sa research ko ay napakayaman niya. Siya ang nag-iisang apo at tagapagmana.” “Paano kung malaman ni Madam, ano ang gagawin niya sa akin?” “Malamang papatayin ka rin, pero syempre bago pa mangyari iyon dapat may pera ka na rin ng makalabas ka kaagad ng bansa. Isa pa dapat hiwalayan mo na yung boyfriend mong walang silbi.” “Ang sama mo, hindi ko siya basta tatalikuran malaki ang utang na loob ko doon.” “Bahala ka, pero hindi ako nagkulang ng paalala sayo. Darating ang araw na magiging problema mo ang lalaking yon.” “Saka ko na iyon iisipin, ang mahalaga masimulan ko na ang mission ko.” “Good luck, sana magtagumpay ka. Nasa email mo na ang location ng tinatambayan lagi ng lalaking yon.” “Salamat.” “Huwag kang magpasalamat, dahil malaki ang magiging komisyon ko diyan. Ang inaalala ko ay baka doon pa lang sa unang hakbang mo ay mabuking ka kaagad.” “Hindi naman siguro dahil pinag aralan ko nang mabuti ang mga dapat gawin.” “Tandaan mo lagi ang sinabi ko, open partner doon. At kung sakaling sa umpisa pa lang ay makuha mo na ang atensyon niya. Siguraduhin mo wala siyang mahahalata, dapat virgin ka dahil malaking pera ang ginastos diyan sa bajay jay mo na bagong repair huh!” “Ang bibig mo, bastos nito huh!” “Wow! Ngayon pa lang ay feeling virgin ka na huh! Sabagay nang masanay ka na upang makakilos ka ng normal.” “Akala mo ba okay ako? Hindi mo lang alam na kinakabahan ako. Paano kung mabuking niya ako baka doon pa lang ay patayin na ako ng lalaking ‘yon.” “Gaga! Kaya nga galingan mo ang pag arte, isipin mo na malaking pera ang gantimpala mo.” “Samahan mo kaya ako hanggang doon lang sa basement.” “Ayaw ko, baka makita ako doon ng lalaking tinakasan ko.” The next day, todo postura ang ginaw ako habang patungo sa lugar na aking pakay. Kung mamasdan ay isa akong mayaman na babae. Sa branded na mga gamit lalo na ang mamahaling sasakyan na pinahiram sa akin ni Madam. Pagka-park ay agad kong inilabas ang membership card pagmamay-ari din mismo ni Madam. Agad na inabot ko iyon sa isang staff at pinapasok naman agad nila ako. Matapos ay binigyan pa ako ng safety keywords sakaling may taong gagawa ng hindi tama ay maaari ko raw iyong pindutin para mabilis na makahingi ng tulong at may rescue agad na darating. Meron ding tracker sa loob n’on kaya madali nilang mahahanap ang aking kinaroroonan. Pagdating sa entrance ay nahindik ako sa mga nakikita, iba’t-ibang condom flavor. Nakalagay sa malaking parang kawa na umiikot-ikot. Meron din instructions doon kaya limang condom lang ang kinuha ko. Ang akala ko nga ay para lang iyon sa mga lalaki pwede din pala sa mga babae. Sakaling gustuhin ko raw na dalawang condom ang ipagamit sa lalaking aking makaka-partner. “Alone?” narinig kong tanong ng isang lalaki ngunit agad rin akong umiling dito. Dumiretso ako sa loob nang mapahinto rin agad sa may gilid. Gusto kong mapamura ng makita ang lalaking siyang pakay ko. At mas higit pa lang gwapo ito sa personal. At sh*t! Ang harapan totoo ba ang nakikita ng aking mga mata? Ganun talaga ang size nito? Kaya ang kinuha kong condom kanina ay basta ko na lang iniwan sa gilid dahil hindi rin naman iyon magagamit. Size: M, ang dala dala ko samantalang sa aking palagay ay baka double XL pa ang sukat ng lalaking ‘yon. - BRIX POV. ILANG araw na ang lumipas magmula ng magkrus ang landas namin ni Macy, ang babaeng anak ng taong abot langit ang pagkamuhi ko. Hindi ako makapaniwala na ito na ang batang babae noon na laging nagbibigay ng gamot at pagkain sa akin. Ang napakagandang bata ngunit bakit tila nag iba ang itsura nito ngayon? Kundi pa ito nagpakilala na anak ni Madam, ay hindi ko makikilala na iyon na pala si Macy. "Anong plano mo sa kanya dude?" "Hayaan mo lang siya doon sa room, hindi siya dapat makatakas. Magagamit ko siya sa gagawin kung paghihiganti sa ina niya." "Sigurado ka na kaya mong gamitin ang isang inosenteng babae?" "Yeah, dahil sa ina niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaahon sa hirap na pinagdaanan ko." "Ikaw ang bahala dude, sana lang maging maayos ang lahat. By the way, kanina pa may tumatawag sa landline. Ayaw ko lang sagutin dahil baka hindi mo magustuhan." "Sige pareng Bart, ako na ang bahala, sigurado si Lolo ang tumatawag. "Hindi na ba siya nauwi dito? Matagal na tayong magkaibigan ngunit hindi ko pa siya nakikita." "Oo, sa video call lang kami nagkikita." "I see." Magmula kasi ng umalis ang abuelo ay hindi na ito nakabalik pa ng bansang Pilipinas. Halos apat na taon na rin ang lumipas, ganun pa man lagi naman kaming nagtatawagan gamit ang videocall kaya ayos lang sa akin. Subalit nitong umaga ay hindi ko na nagawa pang pumasok sa school, kung kailan nasa huling buwan na namin iyon at malapit na ang graduation. Dahil iyon sa natanggap kong tawag. Kailangang lumipad ako patungong US, as soon as possible dahil mahalaga ang aking presensya doon. Ang sabi ng nakausap ko ay masyado ng mahina ang katawan ng aking lolo at baka hindi ko na raw abutan pa ito. Ayon pa sa tumawag sa akin ay kailangan kong mag stay doon ng ilang weeks. Kaya nagdala na ako ng maraming damit at dinala ko na rin ang mga importanteng dokumento ko. Kahit maraming katanungan sa aking isipan ay sinarili ko na lang iyon "Ingat ka dude, kung pwede lang ay sasamahan kita eh." "Ayos lang." Pagdating ko sa US, ay nasagot lahat ng aking katanungan. Hindi ko mapigilan umiyak nang ipagtapat ng doctor ang tunay na kalagayan ng aking lolo. Ilang panahon na lang pala ang nalalabi nitong buhay o maaaring anytime ay mawawala na ito sa mundong ibabaw. At kaya ako ipinatawag upang naroroon raw sa araw ng pagbabasa ng Last Will and Testament. “Lolo, bakit hindi mo sinabi sa akin na malala na pala ang sakit mo?” “Apo, matanda na ako at hindi na rin kaya ng katawan ko kung ipipilit pa na magpagamot. Ang gusto ko lang bago ako mawala sa mundong ito ay makitang nasa maayos ka. Ganun din ang aking mag-ina gusto kung ipagkatiwala sila sayo.” “Mag-ina? Ibig mong sabihin ay nag-asawa ka dito tapos hindi mo pinaalam sa akin?” “I’m sorry Gabriel, kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Ayaw kitang bigyan ng isipin, isa pa sigurado na hindi ka papayag sa gagawin kong pagpapakasal kaya mas ginusto kong ilihim sayo ang tungkol doon.” “Kung ganun nasaan ang asawa mo bakit wala siya dito?” “Sinabi ko sa kanya na sa mansion na siya mag stay at doon maghintay dahil bawal dito sa ospital ang bata.” “Ilang taon na ba ang naging asawa mo lolo at nagkaanak pa kayo?” hindi sa nagagalit ako ngunit malakas ang pakiramdam kong bata ang asawa niya. At siguradong pera lang ang habol ng babaeng yon sa aking lolo. “Halos kasing edad mo lang siya apo… “Ano? Sa dinami dami ng pakakasalan mo ay ganun ka bata? Lolo magsabi ka nga sa akin ng totoo, inaalagaan ka ba niya o baka naman pinabayaan ka ng babaeng yon kaya ka nagkasakit ng ganyan?” “Gabriel, huwag kang magsalita ng ganyan, mabait siya at higit sa lahat ay mabuti siyang babae.” “Kung mabuti siyang babae bakit sa batang edad niya ay sa kagaya mo nagpakasal? Baka naman kayamanan mo lang ang habol ng babaeng yon lolo?” “Gabriel! Hindi kita pinapayagan na pagsalitaan o inusltuhin siya ng ganyan!” bigla siyang nag-alala ng makitang namumula ang abuelo sa galit. “I’m sorry lolo, h-huminahon ka po makakasama sa kalagayan mo ang magalit. Sorry na po hindi ko na uulitin, p-pangako hindi na ako magsasalita sa kanya ng masama.” “P-Please Gabriel, ilang panahon na lang at mawawala na ako, m-mahalin mo sana ang mag-ina.” “H-Hindi ako mangangako lolo pero sisikapin ko po. Ano pa lang nationality ng asawa mo lolo?” “Syempre pinay, sa katunayan kinasal muna kami sa Pilipinas bago muling magpakasal dito sa US.” “So, doon mo pala siya nakilala sa bansa natin, ang buong akala ko ay dito mo siya na met.” sa nalaman ay mas tumanim sa isipan ko na isang gold digger ang babaeng pinakasalan ng aking lolo. “Kaya apo, alam kong hindi kayo mahihirapan magkaintindihan, ikaw na ang bahala sa kanila. Alagaan mo sana silang dalawa lalo na ang bata.” “S-Sige po lolo.” “S-Salamat apo.” “You’re welcome.” Hindi ko akalain na iyon na pala ang huling pag-uusap namin ni abuelo. Dahil ngayon ay ginising ako ng masamang balita. Diniklara ng mga doctor ang pagkamatay ni lolo kaninang five in the morning. Kaya naging busy ako sa mga dapat na asikasuhin. Tumawag din ako sa mansion nito dito sa US, kailangan kong ipaalam sa asawa nito na patay na ang aking abuelo. “Ahm, maaari ko bang makausap si Mrs. Em Em Guevarra? “Yes speaking, sino po sila?” “Apo niya ito, huwag ka sanang mabibigla, pero wala na si lolo, namatay siya kaninang alas singko ng umaga.” ngunit wala akong narinig na sagot mula sa aking kausap. “... hello, are you still there?” “Y-Yeah… s-sige pupunta na ako diyan.” “Okay sige, bye.” “Bye.” Bakit ganun parang familiar sa akin ang boses ng babaeng ‘yon?” At habang hinihintay ang pagdating nito ay napaisip ako. Isang malaking palaisipan sa akin kung bakit nag-asawa ang abuelo samantalang isa itong silahis. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD