BRIX POV. MACY MILES MADRID, ito ang tunay na pangalan ng legal wife ng aking Lolo Manolo. At ang ang tunay na pangalan ni Mrs. Em Em, ay Emerita Mansilingan. Talagang nagmana ito sa ina nito na masyadong mataas ang ambisyon sa buhay. Handang gawin ang lahat para sa pera kahit maging kapahamakan ng mga taong inosente. “Sir GB, tumawag na ang Gonzalgo Hospital, lumabas na raw ang resulta ng pina-DNA Test mo noong last week.” “Okay, let’s go!” at malaki ang hakbang ay lumabas na ako ng opisina habang kasunod ko si Alias. “Alias, what do you think?” “Sa resulta ba, Sir GB?’ “Yes, sa palagay mo ba ay si Mrs. Em Em, ang biological mother ni Gabbi?” “Hindi ko masagot Sir GB, mahirap din basahin ang iniisip niya. Kung titingnan ng kahit sino ay anak niya talaga ang bata. Pero kagaya ng s