BRIX POV. NANINIBAGO ako sa aking mga nakikita. Bakit puro puti ang paligid nasaan ba ako at hindi rin familiar lugar. Kaya dahan dahan akong nagbaling ng ulo. Napa kunot-noo ako sa aking nakita ‘di yata’t nasa loob ako ng ospital? Nakarinig ako ng mga boses na nag-uusap at may nagbukas ng pintuan. Kaya ang ginawa ko ay agad akong pumikit, gusto kong marinig kung anong usapan nila. “Hindi tama ang gustong mangyari ni Mr. Guevarra, wala siyang karapatan na angkinin ang lahat ng pagmamay-ari ni Brix!” “Anong gagawin natin Pareng Kyle?” “Ano ba ang sabi ng mga doctor, wala pa bang senyales na magigising na si Brix?” “Last week bago umalis si Ms. Macy, nakausap niya ang doctor. Sinabing anytime ay magigising na raw siya.” sa aking narinig ay napadilat ako. Ibig bang sabihin ay umalis ang