MILES POV. NANG ako’y magising ay masakit ang aking katawan. At ang ginawa ko ay luminga linga sa paligid, nakita kong nakaupo si Brix sa mahabang sofa. Naka talikod siya sa akin kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga sa carpet. Hinanap ko ang aking damit at tahimik na nagbihis. Naalala kong sinira nga pala iyon ni Brix. Hinanap ko rin ang underwear ko kung saan niya hinagis ngunit hindi ko na makita kung saan naroroon. Nang silipin ko ang mukha ni Brix ay nakapikit ito. Kaya dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng banyo. Kinuha ang naroon na bathrobe at mabilis na sinuot iyon. Paglabas ko ay ganun pa rin ang pwesto ni Brix. Kaya maingat akong lumabas ng pintuan. Pagdating sa receptions ay nakiusap ako na tawagan ng taxi. Napansin kong nakatingin silang lahat sa suot ko kaya sinabi