MILES POV. SA araw-araw na lumilipas ay hindi ako mapalagay. Hindi mawala sa aking isipan ang mission, unang beses na wala ako sa mahahalagang lakad ng grupo. Pakiramdam ko ay napaka irresponsible kong leader. Dapat mag-resign ako sa pwestong yon dahil hindi ko naman magawang gampanan. Pag naiisip ko kung paano sila nahihirapan sa pakikipaglaban ay gusto kong sumunod sa kanila. Naiinis ako sa aking sarili kong bakit nagawa ko silang pabayaan sa oras na kailangan ako sa grupo. Isang linggo na ang nakalipas magmula ng umalis sila. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kanila. Sinubukan kong tawagan sila ngunit hindi ko makontak. “Mahal, gusto mo bang ma-trace kong nasaan na sila ngayon?” “S-Sana, hindi ako mapalagay dahil hanggang ngayon walang kontak isa man sa kanila.” “