BRIX POV. NANG marating ko ang aking penthouse ay hindi pa rin nawawala ang galit ko. Dahil sa mga natuklasan ng aking kaibigan. Sino ba talaga itong babaeng nagpapanggap na Macy, ano naman kaya ang motibo nito sa akin? Sino nga ba ang babaeng iyon na tila familiar? Ang hindi mawala sa aking isipan ay bakit ginagamit niya ang pangalan ng tunay na Macy Miles? "Dude, huminahon ka muna, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang lahat. Huwag kang paapekto sa mga narinig mo sa telepono. Sinabi ko lamang iyon sayo dahil baka maalala mo ang babaeng iyon." "Pare, alam kong magaling ka at malaki ang tiwala ko sayo. Alamin mo kung sino talaga ang babaeng iyon, at sino ang nag-utos sa kanya. Tama ka hindi siya ang totoong may-ari ng pangalang iyon. Alam kong may motibo siya kaya lumapit siya sa akin."