MILES POV. NAKATANAW lang ako sa aking anak habang masayang naglalaro kasama ang mga pinsan nitong mga Montemayor. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit sa tuwing naririnig ko ang malakas na tawanan ng buong pamilya. Naroon ang mga pinsan ni Brix, may mga asawa na ang karamihan kitang kita ang pagmamahal ng bawat-isa. “Hija, bakit naririyan ka, halika doon ka sa table.” sa aking narinig ay humarap ako sa ginang. Ito ang asawa ng ama ni Brix, ang napakagandang ginang. Kahit may edad na ay lutang na lutang pa rin ang kakaibang ganda. “Ayos lang po ako dito, Ma’am.” nakangiti kong sagot sa ginang dahil ayaw kong humalo sa pamilya nila. Isa lang akong yaya ni Gabbi, at nakakahiya kong aasta akong parang kapamilya. “Are you sure?” “Opo, binabantayan ko rin ang anak ko… i mean ang alaga k