MILES POV. NAKATINGIN lang ako kay Brix, hindi ko na siya maintindihan. Bakit kaya niya ginawa ito, samantalang wala naman dahilan na gawin niya ang ganito. Nakalimutan yata ng lalaking ito na matagal na kaming annulled. Upang umasta na mag-asawa pa rin kami. At isa pa kahit noon na kasal kami sa papel. Hindi naman niya ginagawa ang pilitin ako. Malinaw na wala siyang nararamdaman sa akin. Kaya naman nakakainis ang nangyayari ngayon. Totoong mahal ko siya ngunit hanggang doon na lamang. Tama na ang umaasa ako ng napakatagal na panahon. Kundi pa ako pumasok sa one-year assassin’s training. Hindi sana ako nakapag-isip-isip. May sarili akong buhay at hindi dapat dumepende sa isang tao upang maging masaya. “Walang dahilan upang gawin mo ang bagay na ito. At kung inaalala mo na baka masira a