MILES POV. ILANG beses kong pinag isipan ang sinabi ni General at wala akong pagpipilian. Gusto kong sundin si Brix, ngunit wala ng oras. Ang tanging ipinagdarasal ko lang ay walang mangyaring masama sa kanya. Umilaw ang cellphone ko hudyat na kailangan ko ng umalis. Minsan pang hinalikan ko ang tulog na si Gabbi, bago tuluyang lumabas. “Saan ka pupunta?” napahinto ako sa paghakbang dahil sa boses na yon ni Brix. At mabilis kong pinagana ang aking isipan. “Ahm, lalabas lang ako upang magpahangin. Sumasakit lang ang ulo ko kung pipilitin kong matulog kahit hindi ako dalawin ng antok.” “Ganun ba? halika at doon tayo sa mini-bar.” “Nasaan ang asawa mo? alam mo naman siguro ang mangyayari pag nakita niya tayo.” agad na pahayag ko sa kanya. “Hindi niya malalaman, isa pa wala naman tayo