BRIX POV. CONFIRMATION ng address na kinaroroonan ng aking ina at ni Lynne. Naroon sila sa dating bahay namin sa probinsya, Barrio San Agustin. At naalala ko na ang huling salita ni Dina. Bago namin nilisan ang lugar na iyon noong sampung taon gulang pa lamang ako. Ang sabi niya, "ako na ang bahala sa bahay mo kaya huwag mo na iyong alalahanin." Kaya naman ay napanatag ako at agad na sumama sa kanya patungo ng Manila. At magmula noon ay hindi na ako nakabalik ng Barrio San Agustin. “Dude, anong iniisip mo, ang sabi ko sayo ay patungo na sa lugar ang grupong inutusan mong mga tao.” “Naalala ko na Pareng Bart, ang lahat kaya samahan mo ako sa kulungan. Kailangan kong makausap si Dina.” sa halip ay yon ang sagot ko sa aking kaibigan. “Kung ganun ay halika na pero isuot mo muna ito.” “Ano