MILES POV. NAKATAYO ako sa harap ng pintuan ng bahay ni Enzo. Hindi ko nagustuhan ang nangyari sa pinsan kong si Alias. Marami nang pagkakataon na pinalampas ko sa mga ginagawa niyang mali. Kung ayaw na niya sa assassin’s group ay pwede naman siyang umalis ng maayos. At kadudaduda din kung ano ang relasyon niya kay Sherly. Umatras ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Bumungad ang kagigising niyang mukha at walang suot na pang-itaas. “What do you want at sa ganito kaaga ay nambubulahaw ka?” yamot na sita pa niya sa akin. Malakas ko siyang sinipa sa sobrang inis ko. Siguro hindi niya inaasahan ang aking gagawin kaya sapol siya sa tiyan. Bumagsak sa carpet at uulitan ko pa sana ng marinig ko ang boses galing sa loob. Nang tumuwid ako ng tingin ay naroon ang kagigising din na si Feng.