MILES POV. SIGURO ay hindi inasahan ni Brix, na makikita ako sa harap ng maindoor. Hindi yata nito malaman paano ako iistimahin. Marahil ay umiiwas na makita kami ng fiancée niya. “Ahm…. P-pasok ka.” “Pasensya na sa isturbo, nagpunta lang ako dito upang ipagpaalam ang dalawang bata. Gusto silang makita ni General, at huwag kang mag-alala safe sila. Ihahatid ko rin sila sa tamang oras kagaya ng napagkasunduan natin noon.” mahabang paliwanag ko sa kanya. “S-Sige, n-ngayon na ba?” “Oo, naghihintay kasi ang sasakyan sa labas.” “Okay, saglit lang at tatawagin ko silang dalawa.” “Salamat.” Nang makaalis si Brix, naupo na lang muna ako sa sofa at hinintay ang mga bata. “Magandang umaga Ms. Macy, naririto ka pala?” “Good morning Ms. Laarni, susunduin ko lang ang dalawang bata.” “Well, m