MILES POV. ANG sinabi ni doktor JC, within two days magigising na si Brix. Ngunit halos isang linggo na ay nananatili pa rin siyang tulog. At ang hindi mawala sa aking isipan, sa tuwing nililinisan ko ito ng katawan. Bakit ang harapan nito ay naninigas? Normal lang ba yon sa isang pasyente na tulog? "Kumusta ang kapatid ko Ms. Macy?" Hindi ko namamalayan ay dumating na pala ang kapatid ni Brix. "Hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon. Samantalang lampas na ng dalawang sa binigay na palugit ng kanyang doktor." "Nakausap mo na ba ang kapatid kong si Doc. JC?" "Last two days ago pa at ang sabi niya hintayin lang daw na kusang magising siya." "I see, ahm… g-gusto mo bang umuwi muna ng bahay mo? Nang makapagpahinga ka naman at ako na ang pansamantalang magbabantay sa kapatid ko?" "