BRIX POV. NAGSING ako na parang meron akong katabi. Ang nang magmulat ako ng mata ay napabalikwas ako ng bangon. Bakit naroon si Mazie Mitz, sa tabi ko… wait anong nangyari sa anak ko? Tuluyan luminaw sa akin ang lahat ng makita kong tulog sa sofa ang aking asawa. Maingat akong bumangon, at sinilip ko ang braso ng anak ko. At napamura ako kung bakit meron sugat siya sa braso. Kaya tinungo ko ang mahabang sofa at ginising ko ang aking asawa. “Mahal, gising.” Sabay tabik ko sa kanyang balikat. Hindi nagtagal ay nagmulat siya ng mata. “Gabriel, gising ka na pala…. Oh, nariyan na pala si Mazie Mitz.” Aniya na nakatingin sa kinaroroonan ng aming anak.” “..... Hindi ko namalayan na dinala na pala dito ni Dr. JC, ang anak natin.” “Mahal, bakit may sugat siya, anong nangyari sa kanya?” “D