BRIX POV. HINDI ko inaasahan ang aking madadatnan sa mansion Guevarra. Ang makitang nakaupo sa mahabang sofa si Diosdado Guevarra. Ang tiyuhin ko na siyang nagpapapatay sa akin. Siyang siya sa pagkakaupo na akala mo ay siyang may ari ng mansion. “Anong ginagawa mo dito at sinong nagpapasok sayo sa bahay na ito?” “Wala namang magagawa ang mga tauhan mo pag ginusto ko huh!” “Ganun?” “Oo naman nakikita mo nga at naririto ako sa loob?” “Sa palagay mo wala rin akong magagawa sa mga gusto mo pang mangyari?” “Natural, ako ang lehitimong Guevarra hindi ikaw na kung saan lang nagmula!” sa aking narinig ay sumiklab ako sa salit at sa isang iglap ay nabunod ako ang baril ni Alias. Subalit may mas nauna pa sa akin, sunod sunod na putok ang umalingawngaw sa living room. Ang tatlong tauhan ni D