BRIX POV. MABILIS ang paglipas ng mga araw, linggo at buwan. Naiinis pa rin ako dahil kahit ayaw ko ay hindi ko naman sila matiis. At sa araw-araw ay lagi kong nakikita ang dalawang buntis na nasa pangangalaga ko. Mabuti sana kong isa man lang sa kanila ay anak ko. Pero para naman akong pinaglalaruan ng tadhana sa nangyayaring ito sa buhay ko. “Pumunta na kayo sa loob at ready na ang dining!” saka ko sila tinalikuran. At kahit gabing gabi ay nag-dive ako sa falls. Maalinsangan ang aking pakiramdam siguro dahil sa maghapon akong nagbabad sa taniman. Mas mabuting doon na lang ako sa mga baka, kabayo at taniman. Kisa naman narito sa bahay at nakikita ang dalawang buntis. Parang nagpapaligsahan pa sa pagpapalakihan ng mga tiyan. At ito namang si Montana, wala man lang paramdam. Teka muna bak