MILES POV. HINDI pa ako natutulog ng makarinig nang malakas na busina mula sa labas. Kaya nagsuot ako ng robe at nagmamadaling bumaba. “Hi, pasensya na sa isturbo, kapatid niya ako. Ihahatid ko lang siya dahil naparami yata ang nainom.” “Sige, tatawagin ko lang ang ibang guard upang madala siya sa taas.” Mabilis akong tumalikod at tinawag ang ibang naka duty. “Paki tulungan ang kapatid ni Brix, na madala ang boss nyo sa taas.” “Sige po, Ma’am Macy.” Agad na nagpaalam na rin ang kapatid ni Brix. Hindi ko na rin siya inimbetahan sa loob dahil late hours na. Pagdating sa taas ay mabilis na hiniga nila si Brix sa ibabaw ng kama. Ako naman ay inalis ang suot niyang sapatos. “Ma’am tawagin nyo lang kami kung may ipag-uutos po kayo.” narinig kong pahayag ng isa bago lumabas ng pintuan. “