BRIX POV. TUMAWAG ang pinsan kong si Levi. Ang sabi ay nakausap na nila si Macy. Ngunit wala raw sinabi kung kailan pupunta ng mansion Guevarra. Habang binabasa ko ang pinadalang resulta sa aking email. Nakaramdam ako ang galit, napakagaling talagang magpaikot ng babaeng iyon. Kaya hindi na dapat pang paniwalaan. “Sir GB, si Mazie Mitz, baka kailangan nating dalhin sa ospital?” sa aking narinig ay napatakbo ako patungo sa kwarto ang aking anak. “Mahal kong Mazie Mitz, anak anong nararamdaman mo?” “Papa Gabriel, h-hindi po ako m-makalunok.” “Sige, dadalhin kita sa ospital upang gumaling ka kaagad, okay?” “O-Opo, Papa Gabriel.” “Alias, ang sasakyan, i-ready mo.” “Sige Sir GB.” At tumakbo na si Alias palabas ng pinto. Binuhat ko ang aking anak at nagmamadaling bumaba sa basement gam