BRIX POV. ALAS nuwebe na ng gabi at hindi ako makatulog kaya bumaba ako. Nang biglang nakasalubong ko si Lynne, agad itong nag yuko ng ulo nang makitang nakatingin ako sa kanya. “Sumunod ka sa akin.” utos ko sa kanya. “O-Opo, Sir Brix.” mabilis niyang sagot na gusto kong ikainis. Hindi ganito ang ini-expect ko mula sa kanya. Ang akala ko ay palaban ito bakit parang takot na takot ito sa akin? “Maupo ka!” pagka pasok namin sa loob ng library.” bumalik ako sa pinto at ni-lock iyon. “Nahihirapan ka ba sa pag-aalaga kay Gabbi?” “Hindi! I mean hindi po, Sir Brix.” “Bakit parang problemado at nangangayayat ka?” “Ahm, baka dahil hindi ako masyadong nakakatulog bumabalik yata ang insomia ko.” tinitigan ko siya ngunit mabilis na naman itong yumuko. “Bakit sa tuwing tinitingnan kita ay yumu