BRIX POV. NAKATAYO ako sa harap nitong pintuan ng kwarto. Hindi ko malaman kung paano ko kakausapin si Macy. Bakit kasi nagpunta si Dra. Catherine San Juan, sa room ni Zaizen. Ngunit hindi ko naman ito masisisi dahil kasalanan ko rin. Kung sinagot ko ang tawag niya hindi na sana ito sumugod doon. At ngayon ay galit na galit ang asawa ko sa akin. Dahil iniisip niya na karelasyon ko ang babaeng yon. Siguro nasa isipan na rin ni Macy, na doon ako natulog ng gabing yon. Sinubukan kong pihitin ang door knob ngunit naka-lock iyon. “Mahal, please open the door. Mag-usap tayo, ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.” “What?” napaatras ako nang biglang bumukas ang pinto. “….. Sige magpaliwanag ka baka sakaling maniwala ako sa mga alibi mo.” aniya pa sa akin na may diin ang boses. At alam kong galit