(AMELIE) Kanina pa ako nakasilip mula sa bintana ng kuwarto ko. Mula dito ay nakikita ko si Lucas. I wonder kung ilan na ang napatay niyang lamok. Nasa labas kasi ng boarding house ang waiting area at sa tabi pa man din ng garden. Maraming halaman na maaring lungga ng mga lamok. Nakailang katok na ang janitress, maging ang security guard pero tigas ako pagtanggi na bumababa. Makapal din ang mukha niya dahil matapos mo sila makitang sweet ng ex niya ay may gana pang magpakita sa akin. Manigas siya! Bumira ako ng ng higa. Nagtalukbong ng kumot kahit hindi naman malamig. Gusto kong burahin ang imahe ng ex-husband kong pinapapak ng lamok. Hindi ako dapat maawa sa kanya. Kung tutuusin ay kulang pa nga iyan sa lahat ng nagawa niya sa akin. Pero paano kung deadly ang nakakagat sa kanya na lam