(LUCAS) Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. May tumatawag. Kung hindi ko lang alam kung sino ang tumatawag ay hindi ko sasagutin ang tawag dahil mga importanteng tao ang mga kaharap ko. Mga Japanese investors. Alam kong si Amelie ang tumatawag dahil ang cellphone na dala ko ay ang personal kong gamit na tanging pamilya, secretary at si Amelie lang ang nakakaalam ng numero. Ang asawa ko lang naman kasi ang may kakayahan na mangulit sa tawag hangga't hindi ko sinasagot. Ngayon nga ay pang-walong tawag vibrate na ito ng cellphone ko. Nag-excuse na ako sa mga kausap ko at nabuhayan ng loob nang makita na si Amelie nga ang tumatawag. Sobrang na-miss ko na ang asawa ko. Ilang araw na niya akong hindi kinikibo. Halos mabaliw-baliw na akong mag-isa sa Condo kaya napauwi na rin ako s