Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Gusto kong lumabas para kumain pero nasa living room si Lucas kasama ang bruhang babae. Madadaanan ko sila kapag pumunta ako sa kusina. Sumilip ako kanina. Nakita kong ginagamot ni Lucas ang mga kalmot ko sa nobya niya. Iiyak-iyak pa ang bruha, malayo naman sa bituka ang sugat. Ugh! Hindi ko na kinaya ang gutom. Kailan ba sila lalayas sa sala? Magtitiis na lang ba ako hanggang sa mamuti ang mata ko? At saka ano ba dapat kong ikatakot? Hindi ba ang bruha naman talaga ang unang nang insulto sa amin ng mama ko? Bumuga ako ng hangin mula sa baga. Pinanalalakas ko ang loob ko kasi siyempre malaking babaeng ang nobya ni Lucas. Hindi sila nagkakalayo ng height ng binata, so ibig sabihin hindi ako umabot sa baba niya. Sinuwerte lang ako kanina dahil pag-a