Nakita ko kung paano natigilan si Lucas. Gusto ko man bawiin ang sinabi ko ay huli na. Nagmukha na akong agresibo. Kung bakit kasi pinagkanulo ako ng dila ko, sinabi kung ano ang laman ng utak ko. Namumula ang mukha na tumayo ako. "It's a prank!" Pahayag ko na may fake na tawa. "Sige, Kuya Lucas, kaya ko naman umuwi mag-isa kaya aalis na ako." Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon niya. Basta ko na lang siyang tinalikuran ngunit hindi ko pa man nararating ang pinto ay may kamay na pumigil sa'kin. Hinila niya ako dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya. "Ku..K-Kuya Lucas…" kinakabahang sabi ko. Sinunggaban niya ang pagkakataon na tumingala ako, siniil niya ako ng halik. Hindi ako makahuma sa ginawa niya. Na-estatwa lang ako. Hindi makakilos. Nang magsimula ng gumalaw ang labi niya