Chapter Five

1186 Words
Naalimpungatan ako sa pagtulog sa tila may nag-fa-flash na camera. Nang tuluyan kong idilat ang mga mata ko ay muntikan pa akong mahulog nang mapangtanto kong kidlat pala iyon na gugumuguhit sa labas ng kuwarto kong yari sa glass wall. Awtomatikong nangapa sa tabi ko ngunit unan lang nahawakan ko. Sa mga ganitong pagkakataon kasi ay sumisiksik ako sa katawan ng mama ko. Pero wala nga pala siya. Nakakatakot nga pala talaga ang malaking bahay. Kahit pink na pink ang kuwarto ko ay pang horror ang vibes nang nililipad ang kurtina sa sliding window na nakalimutan kong isara. Nadagdagan pa ang takot ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sinabayan pa nang malakas na pagkulog at pagkidlat. Sa takot ko ay nasigaw ko pa ang pangalan ng mama ko. Tumayo ako. Pilit nilabanan ang takot ko. Lumapit ako sa sliding window para isara iyon. Ngunit hindi ko pa man ganap na nagagawa ay biglang kumidlat ng malakas at nakita ko pa ang pagsabog ng puno malapit sa kuwaro ko. Tinamaan iyon ng kidlat! Dumilim na ang sumunod na sandali. Brown out! Ngunit agad naman lumiwanag dahil pumalit ang dim emergency light. Kumidlat na naman ng malakas. Feeling ko talaga ang lapit-lapit lang sa'kin kaya napatakbo na ako palabas ng kuwarto ko. Takot na takot. Agad akong kumatok sa kuwarto ni Angel dahil katabi ko lang iyon. Lumipas pa ang ilang minuto bago bumukas ang kuwarto ni Angel. Iniluwadoon ang anak ng Don na kinukusot pa ang ang mga mata na bakas sa mukha ang pagka-irita. "Angel, pwede ba akong makitulog sa kuwarto mo? Natatakot kasi ako sa kidlat." tanong ko sa tonong nagmamakaawa. "Inistorbo mo ako dahil diyan? Gosh!" Angel rolled her eyes and then slam the door. Hindi na ako muling kumatok pa sapagkat alam kong hindi na rin ako pagbubuksan pang maldita. Patakbo akong muling pumasok sa kuwarto ko. Kinuha ang kumot at unan. Sumugod na ako sa library ng mansyon. Feeling ko kasi mas safe doon dahil dahil konkreto ang dinding at dalawa lang sliding window na pwedeng lusutan ng kidlat. Nang makapasok sa library ay agad akong humiga sa couch na nandoon. Nagtakip ng kumot. Namaluktot. Komportable na sa pakiramdam. Namumungay na ako mata ko sa antok. Nang may mamataan akong anino na nakatayo malapit sa sliding window. At sa pamamagitan ng liwanag na galing sa kidlat ay napagtanto kong lalake ang anino. Malaking tao. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Hindi pa pa namin lubusin nakilala ang pamilya ng Don. Paano pala pag may lahi silang psychotic. At may tinatagong anak si Don Leandro sa loob ng mansyon na lubhang mapanganib. Nanakit. Pumapatay. Kagaya nang napanood kong movie last month. Hindi malabo ang iniisip ko. Knowing na may malditang unica hija ang Don at my special child na panganay. Dahan-dahan akong bumaba sa couch at nagtago sa likod no'n. Kumakabog ng husto ang dibdib ko. Tinuptop ko pa ang bibig ko sa pigil na mapalahaw na iyak. Hindi naman sa ginagaya ko ang bida sa horror movie na napanood ko dahil may ganoon talaga exactly na eksena. Totoo sa loob ko ang takot. Sisilip sana ako mula sa gilid ng couch nang matigilan. Pinanlakihan ako ng mata nang pagyuko ko ay may nakita akong pares ng paa na halos katabi ko lang. Takot na takot akong unti-unting tumingala upang mapatili lang ng malakas nang biglang umilaw ang mukha ng kung sino man iyon. Pagapang akong lumayo. Wala pa rin tigil sa pagtiili. Hanggang sa marating ko na ang dinding. Na corner na ako. Tinakpan ko na lang ang mukha gamit ang mga palad ko. Tumitili pa rin. Hinihintay ko na lang na may sasakal sa'kin. Pero dumaan ang ilang minuto ay walang nangyayari. Napakunot-noo ako ng makarinig nang impit na tawa kasabay nang pagtutok ng flash light sa'kin. Naningkit ang mata ko nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng tawa na iyon. Ang special child tuwang tuwa sa ginawa! sa gali ko ay tumayo ako. At pinaghahampas ko siya. Malakas. Lumalagapak talaga ang tunog ng kamay sa balat niya. Wala akong pakialaman kung si high and mighty Lucas man iyon. Galit siya! Paano na lang pala kung inatake siya sa puso sa ginawa niya? "Stop it Amelia!" "Emelie ang ppangalan ko hudyo ka!" wika kong hindi pa rin tumitigil sa paghampas sa kanya. "Amelie stop!" "Stop mong mukha mo! Paano pala kung natigok ako sa prank mo?" "Ang cute mo kasing matakot, parang bagong silang na itik." "Ah ganoon!" Mas lalo pa akong nagliyab sa galit nang pagkasabi niyang iyon ay sinundan pa ng tawa. Nagpatuloy ako sa paghampas sa kanya. Hindi na ako makontrol. Sino ba naman ang hindi magagalit? Aba! muntik na akong magbuhis ng buhay dahil sa ginawa niya. Tumigil lang ako nang hinuli ni Lucas ang mga kamay ko. At kinulong sa mga bisig niya upang mapatigil ako sa pagwawala. Epektib! Bigla akong na estatwa. Nanigas. Paanong hindi? Nasa bisig lang naman ako ng taong sa magazine at telebisyon ko lang pinapangarap. Naramdam ko pa ang paglipad ng mga mumunting buhok ko sa batok na hindi masakop sa pagkakatirintas dahil sa mainit niyang hininga. Agad na nalaytay ang sensasyon sa katawan ko. Masarap sa pakiramdam ang mainit niyang katawan. "Amelie." Umiba na rin ang tono niya. Naging masuyo na iyon. Hinarap niya ako sa kanya. Agad nagtagpo ang mga mata namin. Nakaramdam ako ng tila nagliliparang mga paru-paro sa sikmura ko dulot ng masuyong pagtitig sa'kin ni Lucas. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa'kin na pinikit ko na basta ko na lang pinikit ang mata ko. Tumingkayad pa ako. Hinihintay ang magtagpo ang mga labi namin. One second. Two. Three. Naghintay pa ako hanggang isang minuto. Pero walang nangyayari. Kulog at kidlat lang ang naririnig ko kaya dinilat ko na ang mga mata ko. "Idiot." Hindi naman sa nangungutya ang boses niya. Mas more on pagkaaliw pa nga dating sa'kin. Pero the fact na nanunulis pa rin ang nguso ko na tila naghihintay pa rin sa grasya. Doon na ako pinamulahan ng mukha. Napatakip ng mukha gamit ang mga kamay. Na hiling na sana lamunin na ako ng sahig. Hinayaan lang ako ni Lucas. Nang dumaan na ilang minuto at nakolekta ko ang nabasag kong ego ay nilakasan ko ang loob ko. Nameywang ako sa kanya. Taas kilay. Sa pagmamaldita nalang dinaan ang pagkapahiya. Tila naaliw naman na tumingin sa'kin si Lucas. "Huwag kang assuming ha? Pang korean drama kasi ang arrive natin dalawa with the speciall effects of kidlats and thunder kaya nadala ako sa eskena." "Really?" "Yes. Pero sorry bigla akong nagising, na realize ko kasi na wala ka sa kalingkingan ng Lee Min Ho ko." Tumango-tango siya. Halatang hindi kombinsido. Tinaas niya ang kanyang kamay at dumeretso sa buhok ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng mga buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Muli na naman akong nanigas. Ang hudyo! marunong talaga sa larong ito. "A-ano'ng ginagawa m-mo?" Nanginginig kong tanong nang unti-unti bumababa ang mukha niya sa labi ko hanggang sa malanghap ko na ang mabango niyang hininga. Pinikit ko na lang ang aking mga mata. Pinagkanulo ang sarili. Again! Natauhan ako nang marahan na pitik sa noo ang natikman ko at hindi mga labi niya. Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ay ang pagbalik ng kuryente kaya na kita ko ang ngisi niya. Ngising tagumpay! "Yuck! Feeling!" Inis na bulalas ko habang tinutulak siya. Napatakbo ako palabas sa library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD