(AMELIE) Seryoso ang mukha ni Lucas. Sa hitsura niya ay parang kaya niyang manuntok o manakal ng tao. Kinabahan akong bigla dahil masama ang tingin niya kay Zane. Hindi naman nagpatalo ang isa. Gumanti rin ng naghahamon na titig. Pumagitna na ako sa kanila bago pa magkagulo. Hinarap ko si Lucas. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa malamig na boses. "Sino siya?" Sa halip ay tanong niya. "Wala ka na do'n." "See. Mukhang masaya ka na ngayon sa buhay mo." Napamaang ako. Wait lang, bakit parang binabaliktad niya ang lahat? Siya pa talaga unang nagsabi niyan. Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya. "Ano ang gusto mo, ang magmukmok ako at iiyak na lang?" "Siya ba iyong nasa picture?" tagis-bagang tanong niya. "Bahala ka kung ano isipin mo!" "Siya ba?!" Dumagundong na ang boses niy