(AMELIE) Namumugto ako ang mata ko sa kaiiyak. Hindi na ako nakapasok sa klase. Buong araw akong nagmukmok sa kuwarto ko dito sa mansyon. Umiyak buong maghapon. Umuwi na ako dito sa mansyon. Nagtaka pa nga si Mama pero hindi ko na kinuwento sa kanya ang buong detalye. Sinabi ko lang sa kanya na nagkatampuhan lang kami ni Lucas. Binigyan pa nga niya ako ng payo, baka daw na ubos na ang pasesnya ng asawa ko sa pagiging pasaway at isip bata ko. Kung alam lang niya ang totoo ay tiyak magagalit ito kay Lucas. Masakit dahil hindi man lang ako pinigilan ni Lucas. Pinabayaan niya lang ako na umalis. Pwede pa akong bumigay e. Isang yakap at lambing lang niya ay matitibag kaagad ang depensa ko dahil ganito ako kabaliw sa kanya pero hindi niya ginawa. Tiningnan niya lang ako nang umalis. Pinangak