"Patawad, Amelie! Hindi ko sinasadya!" Mula sa ilalim ng kuweba ay dinig kong umiiyak na sabi ni Angel. Napasakit ng balakang ko. Halos hindi ako makatayo. Makirot rin ang balat kong nagkasugat dahil nakuha ko pang makakapit sa mga halaman na gumapang mula itaas hanggang sa ilalim ng kweba. Hindi ko mapigilan ang mapalahaw ng iyak dahil sa sobrang takot. Madilim ang paligid. Halos wala akong makita. Ang tanging tumatanglaw na liwanag ay sinag na galing sa butas ng kuweba. Pakiwari ko ay may biglang lalabas na bangis na hayop at kakainin ako. Nasambit ko ang pangalan ng Mamako. Ito na yata ang katapusan ko. "Amelie, diyan ka lang! Hahanapin ko sila para humingi ng tulong!" "Angel, huwag! Huwag mo akong iwan!" umiiyak na pakiusap ko. "I'm sorry, pero kailangan kitang iwan." Ilang san