BUMALIK ako kaagad sa k’warto namin ni Thunder at nagpasyang hintayin na lang siya. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo. All of the doubts that I set aside suddenly came back. Bigla ko tuloy naalala ang nabasa ko, ang usapan nila ni Bella. Sa tingin ko ay gustong tumulong ni Bella para mangyari kami ni Thunder. I just don’t know if Thunder’s serious about it or he’s just letting me play his very own game. Is he just playing with me all this time? I don’t know. Paano naman ang lahat ng mga sinabi niya sa akin? Kasinungalingan lang ba lahat? Hindi ko alam. Wala na akong alam. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Bumuntong hininga ako at humiga sa kama namin. Napakabigat sa pakiramdam ang isiping hindi totoo para sa kanya ang lahat.