NARAMDAMAN KO ANG MGA MASKULADO niyang braso na marahang hinaplos ang bewang ko. Agad akong napalunok nang maramdaman ang isang pamilyar na elektrisidad na tanging siya lang ang may kakahayang magparamdam sa akin.
Maybe his mind kicked him back to reality from his wet imagination the reason why he pushed me away gently as moments passed.
“M-Miss Samonte, s-stop it,”
Halata sa boses niya na nagpipigil siya at hindi ko maintindihan kung bakit. Humiwalay ako sa kanya at ngumisi. Nakita kong niluwagan niya ang kurbata niya at mataman akong pinagmasdan.
“What? I just want to thank you for giving me a job.” Umarte ako na parang wala lang sa akin ang nangyari kahit na alam ko sa sarili kong apektado rin ako.
“We both know that you don’t need a job, but if you want this position then I’ll give it to you.” He closed his eyes and sighed. “I-If this is the only way.” I don’t know what he was trying to say. I can’t even understand what he wants to deliver based on his last sentence but I decided to just ignore it.
Lalapitan ko sana ulit siya pero may mga papel siya na inilapag sa mesa.
“If you want something to happen, I’ll see you in my pad tonight, baby...” he flashed me a seductive smile and the same time, an evil grin. I don’t even know if it’s possible to combine those two expressions. Well, he just made it possible. “But right now, you need to work and encode all of this.” My jaw dropped as I saw how thick those papers are.
“L-Lahat?” I asked in disbelief.
“Is there a problem? You’re my secretary and you need to do your job.”
What will I expect? Of course, this game will never be easy for me. He’ll never be on this position if he’s stupid so I know exactly that he already knows that I’m up to something else, which is actually true.
“Hindi ba pwedeng training muna, I didn’t even know if where my table is. Masyado kang atat, Thunder.” Ngumisi ako at marahang kinagat ang labi ko. “Masyado kang mabilis…” mapang-akit na saad ko pa. “But that’s okay, I actually like it fast…” nakita ko siyang lumunok ng sunod-sunod at nag-iwas ng tingin.
“Miss Samonte, I’ll ask Ana to lead you to your office.” Bakas pa rin ang pamumula sa mukha niya at halatang nagpipigil lang siya.
“I think I like your office too, Thunder.”
Napasinghap siya sa narinig mula sa akin kaya muntikan na akong humagalpak ng tawa.
“Ako ang paalisin mo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“It’s either we’ll have the same office or yes, you’ll leave your own office.”
“Really, Miss Samonte?” He asked in disbelief as if he’s just trying hard not to burst out. Halata rin sa pamumula ng mukha niya na malapit na siyang mapikon pero pinipigilan lang niya.
“Karma, you can call me your Karma, My Thunder.” Nakangising saad ko.
“Fine, Karma! Happy? Now get the f**k out of here and just wait for Ana outside.” He said in frustration.
Natuwa ako habang pinapanuod siya na hinihilot ang sentido niya. Tumitig pa siya sa akin, pababa sa dibdib ko at umiling na parang hindi makapaniwala sa nangyayari.
“But I want this office too.” I pointed the vacant table beside him. “That would be enough, I guess.”
“Karma, you’re frustrating me so damn much! Just do—”
“You want me to do you?” ngumisi na naman ako nang makita siyang pumikit ng mariin. Pero agad na napawi ang ngisi sa aking labi nang ngumisi rin siya.
“Yes Karma. Do. Me.” I swallowed hard as I saw him lick his lower lip, making his cherry red lips redder. It’s actually a tempting sight, one thing that I’ve never felt to anyone. “A coffee.” Nakangising dagdag niya kaya uminit ang pisngi ko.
“Oh, okay.” Tumayo ako habang nakikipagtitigan sa kanya. Hinawi ko ang mahaba kong buhok at nakangiting kinagat ang ibabang labi bago ako tumalikod sa nakangangang siya.
Agad naman akong pumunta sa kusina na nasa opisina niya. Sosyal ang gago, parang condo na ‘to e. I don’t even know how to make a coffee, still, I’ll try, part of his very own game that I’ll be playing with him.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng opisina ni Thunder at napangisi. His office screams luxury. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong mangyayari sa akin ngayon. Mahirap kalaro si Thunder at alam ko iyon.
He can’t be the king of this palace if he’s just nothing. Alam ko na may kakaibang init akong nararamdaman sa kanya kaya habang maaga pa ay kailangan ko nang tupukin ang apoy na ito. Hindi dapat ako pumayag na magliyab dahil alam kong ako ang mahihirapan. Ako ang masusunog. Ako ang magiging abo.
Ayokong ako ang masaktan sa huli at kainin ang lahat ng sinabi ko kaya kailangang pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya habang hindi pa huli ang lahat. Pagkatapos kong gumawa ng kape ay agad akong bumalik sa p’westo niya, pinagmadan ko ang g’wapo niyang mukha na nakaharap sa kanyang macbook. And only God knows how hotter he looks like with his brow furrowed.
Kahit na naka-balot ng three-piece-suit ang katawan niya ay naka-depina pa rin ang katipunuan ng kanyang katawan. Bigla kong naalala ang tattoo na nasa kanyang dibdib. I suddenly felt the like of seeing it clearly; touch it while sitting on his—ah! Stop it, brain!
I must be really, really crazy.
Inilapag ko ang kape sa tabi niya at umupo ulit sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa.
“s**t! You call this a coffee?” hindi makapaniwalang tanong niya nang tikman ang kapeng ibinaba ko sa harap niya.
“Seriously? A combination of coffee, creamer and a sugar. Would you ever call it a juice? Whatever taste it has it’s still a coffee, in case you didn’t know.” I said narrowing my eyes on him.
“You’re really unbelievable.”
I don’t know if he’s mad. I guess not, I’m not that stupid not to notice that he’s trying his very best to hide his smile.
“Everyone says so. Anyway, what am I going to do?”
“Just sit.”
“So, you’re paying your secretaries for nothing?”
“Of course not, just you.” I threw him a gaze.
“Why?” I asked, wondering. He stopped typing something on his macbook then threw me a glance.
“Tell me Karma, who do you think I am and what do you remember?” I acted as if I am thinking for something even though I’m not.
“Thunder Del Valle. A Greek-God-like Bachelor and a playboy who took advantage of me couple of days ago.” I replied matter-of-factly.
Gusto ko sanang idagdag ang ginawa niya kay Bella pero mahahalata na ako kung ano pa talaga ang motibo ko sa kanya. And I can’t let that happen now. Now that I finally have the position that I want to get close to him even more.
“What else?”
“What else." I stated. I saw him frowned then shook his head.
Hindi ko talaga alam kung anong dahilan at napakadali ko siyang napapayag, isa lang ang sigurado ako, na kagaya ko, ay may gusto rin siyang mangyari at hindi ko na aalamin kung ano pa. I just need to be more and extra careful on playing with him.