Jhena's pov " Oi jhena, anyare? Bakit two days ka atang hindi pumasok." Bati saken ni Gina ng makita ako ng nag ta-time-in. " Wala may inasikaso lang. Sige una na ko." Sagot ko at kumaway sa kanila at nagtungo na sa elevator. Pagkatapos ng break down ko nung nakaraan ay dalawang araw akong hindi pumasok dahil nahihiya ako sa nangyari. Isa pa nag isip din ako sa mga araw na yun tungkol sa dapat kong gawin sa buhay ko. Pag dating ko sa floor kung nasan ang opisina namin ay nagderetso na ako sa table ko. Inayos ko muna ang desk ko dahil medyo magulo ito ng naiwan ko ng nakaraan, kasing gulo ata ng utak.ko nuon. Busy ako sa pag aayos ng nadinig ko ang pagbukas ng elevator kaya tiningnan ko kung sino. Si Anya ang dumating nakasuot ito ng long sleeve na polo na kulay pink at na making ng