Jhena's pov
" hon, lika kana, kaen na tayo ready na ang breakfast naten." sigaw ko sa baba ng hagdan ng bahay namin.
" anjan na hon, bababa na." sigaw din Carl mula sa kwarto namin.
Pag kababa niya kumaen na kame agad dahil baka malate pa kame. Hindi rin naman kame mahilig mag usap talaga kapag kumakaen.
Nag wo-work si Carl sa isang kilalang law firm dito sa Makati. Naks.. bigatin ang asawa ko diba? Noon lumabas ang results ng bar exam, pinag agawan na sya ng ibat- ibang kilalang law firm dahil sya lang naman angnangu- nguna sa listahan ng mga pumasa sa exam.
" hon, una na ko sayu huh, ngayun kasi dadating yung sister ni Sir, ayoko malate sa unang araw nya sa opisina dahil nakakahiya, baka isipin pa nun na porket wala yung tunay kong amo ay petiks na ako." sabi ko after ko kumaen at tumayo na.
" ah ganun ba hon, sige sige ingat ka sa pag da drive huh" sabi nito bago ko sya halikan sa labi. " Ingat Ka din pag pasok mo sa trabaho hon.." bilin ko bago ako lumabas ng kitchen.
********
" Oi bakla, hanep ang bago mong boss, ang hot..." sabi ni Gina habang ginaya pa ang hugis ng bote ng coke mismo para i-describe na sexy ito..
" oo nga jhena, ang sexy niya talaga pang model ang body, kung hindi ko nga alam na kapatid sya no boss aakalain ko na artista eh." singit nman ni aira
Bakit panay ang puri ng mga ito sa bago naming boss?, tomboy ba sila?
" Kapag na sexyhan tomboy agad?! Judgemental ka the!" Singing na naman ng utak ko. Pansin ko lang since kinasal ako saka lumabas tong kontrabida kong utak..
" sexy?" Tanong ko tumango tango nmn sila ng sabay-sabay, gusto kong matawa sa itsura nila, mukhang mga tanga.. hahaha..
" sexy nga baka naman hipon?" Sabi ko
" hipon ka jan.. hindi Ka ba nakikinig kanina, artistahin nga, walang tapon to girl parang pinais n isda n malambot ang tinik.. kakainin mo lahat..." Tatawa- tawang sabi ni thea
What the f! kakainin? Tsk iba ang na iimagine ko sa word n yun..
" Green minded Ka kasi..hmp!" Inner self n nman.
" oo na, base sa reaksyon niyo naniniwala na ko na mganda at sexy nga ang bago naten boss, e anu naman ngayun?" tanong ko
May mas gaganda pa ba sa babaeng nakita at nakahalikan ko sa resort nun nakaraan? Hindi ko maiwasan hindi pamulahan ng mukha kapag naalala ko ang eksena namin nun babaeng yun..siya na ata ang pinaka mganda babe na nakita ko sa buong buhay ko.
Umalis na ko duon dahil baka kanina pa ko hinahanap ng bago kong boss,
baka mapagalitan pa ko sa first day niya dito sa kompanya..
Pag kadating ko sa office ni Sir ay kumatok ako.
" come in" sabi nun girl sa loob ng opisina. Malamang si Ms.madrid na yun alangan ibang tao diba.
" good morning ma'am, ako po si jhena , I'm your brother secretary.." sabi ko after pagkapasok sa loob, pero hindi pa ko tapos mag salita ng magsalita ito habang hindi nakatingin saken dahil naka tungo ito, busy ito sa computer niya,.
What an attidude! Tsk...
" ok, now you are my secretary." Anito still focusing on her computer..
" yes ma'am, ganun na nga po." sagot ko na lang. Hindi ko makita ang mukha nito, dahil nga medyo nakayuko ito.
" ok, anu ang schedule ko ngayun?, Mayron ba akong meeting today?" Tanong nito, hindi pa din man lang ako sinusulyapan.
" yes ma'am, may meeting po kayu this afternoon around 2 pm, kay Mr.lao at kay Mr.ki , mga possible investor maam, aside from that ay wala naman na po."
" ok, thank you jhena, you may go back to w ___..." sabi niya at tumingin saken pero dahil nkita niya na ko ay hindi na nito natapos ang sasabihin niya, nagulat sya ng makita ako, at maging ako ay ngulat din, ung puso ko grabe ang kaba, nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko, sinung mag aakala n makikita ko sya ulit, at dito pa talaga sa company namin at ang malala pa ay sya ang bago kong boss... Liit Naman ng mundo.
Pinaglalaruan ba ko ng tadhana?
Bakit ba nagkita pa ulit kame?
Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo dito pa sa babaeng ito ako nakipag halikan?
Naman eh maalala ko pa nga lang yung nangyari iba na agad ang pakiramdam ko eh pano pa kaya kung araw - araw ko makakasama ang taong kasama ko sa pangyayaring yun?
Haist.. kakayanin ko ba to? Parang sobrang nakakailang naman ang sitwasyon namin. Hindi na nman ako puwedeng mag resign. Sobrang gaga ko Naman kapag ginawa ko yun..
Andami ng walang trabaho sa panahon ngayun lalo pa at nagka pandemic, Ilan pa lang ang mga kompanya na nakakabawi at iilan pa lng ang mga trabahador na nakakabangon . Tas ako iniisip ko mag resign dahil lang ang bago kong boss ay yung nakahalikan ko. Engot lang.
Hayst... Bahala na si batman, si superman o kahit si kapitan inggo. Hahaha
Anu ba talaga! Mag panggap na lang kaya ako na hindi ko sya kilala. Na hindi ko sya natatandaan?
" Gaga, ano ka may amnesia?" Singit ni brainy
" Amnesia agad?! Hindi na puwede na hindi ko lang tanda yung itsura nya? O kaya lasing ako?! "
" Sira, boba... Yang boss mo ang lasing nun time na yun hindi ikaw."
" Bakit ba napaka kontra bida mong utak ka huh? Gusto mo bang ipatapon Kita sa planet nemic?"
" Hahaha.. anu ka si piccolo?! "
" Ewan ko sayo manahimik ka na lang jan."
Kahit naman gulat na gulat ako ngayun hindi naman nakaligtas saken ang kabuan ng babaeng to.
Sobrang ganda nya talaga, mas maganda lang nga sya ngayun dahil maayos ang itsura nya ngayun kumpara nun nagkita kame nun lasing sya. Medyo mahilo Kasi ang buhok nito nuon kaya medyo bawas point.
Bagay na bagay din dito ang suit nitong sleeveless na blouse na kulay baby pink. Hindi ko lang makita yung suot nya pangbaba dahil nakaupo ito pero I'm sure bagay na bagay din yun dito.