Jhena's pov " Hello everyone." Nagulat kame sa biglang sumigaw. Nandito kame sa sala's at nanunuod ng tv kakatapos lang kasi naming mananghalian, linggo ngayon at walang pasok kaya andito lang kame sa bahay. Kaagad naming tiningnan kung sino ang dumating at si Sir Alex pala. " Ikaw pala bakit kelangang sumigaw." Sabi ni Anya na hindi man lang tumayo para salubungin ang kapatid nito. " Ang harsh mo kapatid, hindi mo ba ako na miss man lang.?" Tampo tampong tanong ni sir at naupo sa couch sa tapat namin. " Hi sir welcome back." Bati ko dito kahit nahihiya ako, hindi ko kasi alam kubg nakwento na ba ni Anya ang tungkol samen sa kanya. " Oi jhena, andito ka pala, thank you." Sagot nito at dun lang yata ako napansin. " May tinatapos ba kayo sa opisina kaya ka andito?" Tanong nito samen.