Jhena' s pov Andito na ako sa loob ng kwarto namin ni carl, nakahiga habang nanunuod ng tv pero hindi ko naman naiintindihan yung palabas dahil lumilipad ang utak ko papunta kay Anya. Isang buwan na din kasi simula ng malaman nyang my asawa na ako. Sobra na ang lungkot na nararamdaman ko ngaun. Sobrang miss n miss ko na sya. Halos hindi na nga kame nagkikita kasi malimit hindi na sya pumapasok dahil laging my meeting na pinupuntahan. Kung sa iba ang sinasabi nila kapag daw hindi mo nakikita ang isang tao eh natututunan mo tong makalimutan, pero para saken eh kabaligtaran ito kasi habang hindi ko nakikita si Anya, lalo lang tumitindi ang nararamdaman ko para sa kanya... " hon, my problema ka ba?" Tanong ni Carl sabay tabi saken sa kama. Hindi ko namalayan lumabas na pala sya