chapter 5

1017 Words
Anya's pov Andito na ngayun ako sa house ni kuya dito sa pilipinas,sinundo niya ko sa airport kanina. My house sya dito kasi dito n naman kasi sya nag iis-stay simula nung sya na ang nag handle ng business nmin dito... Isa ang kompanya namin dito sa mga pinaka malalaking kompanya dito sa pilipinas. Our company here ay nag eexport ng mga produkto sa ibat ibang bansa... Kilala ang mga products namin saan mang sulok yan ng mundo. Mapa sapatos, bag, at mga damit basta tatak Madrid sigurado ang quality kaya kahit medyo mahal patrol pa din sa mga customer namin. Aanhin mo naman nga ang mura kung para la lang nanghiram. Ang house ni kuya na ito ay dito sa forbes park. Isang kilalang subdivision dito sa Makati. Lahat ng nakatira dito sa lugar na ito ay talaga naman may sinabi sa buhay. Mga mayayamang tao lang ang nakatira dito kitang kita naman sa yari at laki ng mga bahay. Kompleto ang mga pasilidad, hindi kana lalayo pa. Kaya naman sulit talaga ang pagtira mo dito sa lugar na ito. Nakahiga na ako sa bed ko, kaka pagod ang byahe, sobrang traffic. Kung may hindi man talaga nagbago dito sa pilipinas ay yung sobrang traffic. Kelangan mo talaga magbaon ng mahabang pasensya dahil nakakairita talaga ng ulo ang maghintay sa kalsada ng ilang oras. Nakakahilo pa dahil urong sulong ang sasakyan, aandar lang ng konti tas titigil ulit tas andar ulit. Hayst.. nakakairita talaga. Bukas ipapakilala na daw ako ni kuya sa mga empleyado at stock holders ng kompanya, tapos after daw nun puwede na daw ako magrelax sa pinareseve ko sa kanyang resort, I'm so excited na mag resort, ganda kaya ng mga resort dito sa pilipinas kaya nga dinadayo pa ito ng mga foreigner eh.... ****************** " good morning sis, kamusta naman tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong nito pag kadating ko sa kitchen, umiinom sya ng kape habang may hawak na news paper. Bakit ba ang mga lalaki hilig ng ganun. Lapad- lapad ng diaryo eh. Tsaka haler, uso na ang online news ngaun, hindi na nga ata uso ngayun ang newspaper kung meron mang nag babasa pa nun Ilan na lang at kasama dun si kuya Alex. Ang Hi-Tech na ng lahat pati ang company namin sya na lang ata ang hindi. " ok lng kuya.. Nakatulog naman ako ng maayos, pagkahiga ko tulog agad ako dahil sobrang pagod ko. " tipid kong sagot then kumaen na ko ng food na inihanda ng maid niya para samen, tahimik lang kame dalawa, alam niya naman kasi na wala pa ko sa mood makipag daldalan masyado dahil sa nangyare sa lovelife ko , he know me well. **************** " good morning ladies and gentleman. " bati ni kuya sa mga tao na nasa loob conference room pag kapasok na pag kapasok namin.. Pinag masdan kong maige lahat ng mga taong andito. Halata na agad sa itsura nila kung sino ang mga bigatin sa kanila at kung sino ang mga empleyado na may mataas na posisyon sa company. Yung mga mukhang bigatin malamang sila ang mga stock holders namin. Tss.. kung makatingin naman ang mga ito akala mo pipitsugin lang ako, hayst.. mga ewan mas malaki pa din naman ang hawak naming stock sa company kesa sa kanila. " good morning Mr.madrid" sabi nila ng sabay -sabay. Tumango ang kapatid ko bago nagsalita. " So , alam ko naman pong narinig niyo na na mag babakasyon muna ako diba? " panimula ni kuya, nag tanguan naman ang mga ito, ang iba ay naman ay sumagot ng yes sir. " okay.. so kaya po ako nagpatawag ng meeting at upang ipakilala ang sister ko, this is MS. ANYA MADRID, my little sister, sya po muna ang papalit sa akin pansamantala habang nasa bakasyon ako." Sabi ni kuya, umugong ang bulungan, mukhang hindi nila gusto na ako ang mamamahala muna ng pag papatakbo sa business namin habang nasa bakasyon si kuya. " but Mr.madrid kaya po ba niya ang responsibilidad dito? Mukhang bata pa sya at alam naman naten ang mga kabataan ngayun, puro pagpapasaway lang alam ng halos lahat." tanong nung isang matabang lalaki. " dont worry Mr. Lai, graduate sya ng business management, at isa pa my experience na sya sa pag hahandle ng mga business malaki man o maliit" paliwanag ni kuya sa matabang lalaki , dun kay Mr.lai.. lai-lai ang taba.. hahaha Nag bulungan na nman sila, na akala mo mga bubuyog. kaya maugong na naman dito sa conference room na to. Yung totoo businessman ba sila o mga bubuyog? Kanina pa sila huh... badtrip? Pakainin ko kaya sila ng pride towel.. hahaha just kidding. After naman ng kalahating oras, pumayag na din sila, kala ko aabutin kame ng siyam - siyam sa pagpapaliwanag sa mga stock holders na yun eh. Bilhin ko stock nila, nakuha nila. Umalis na kame ni kuya duon at nag punta naman kame sa ground floor ng building , ipapakilala nman ako sa mga empleyado na hindi ganun kataas ang posisyon sa kompanya. Pagod na ko sa totoo lang na ubos ang energy ko dun sa loob ng conference room , hirap kasi paliwanagan ng mga tao dun. .. gusto ko ng magpahinga ..tsk.. **************** Nasa bahay na kame, finally! Mag diwang.. Natulog na lang ako agad para may lakas ako bukas sa byahe papuntang resort.. I'm so excited, and I just can't hide it.. kumanta na.?? Finally, relax mode na ko bukas at sa mga susunod na araw, aba one week din ang ilalagi ko dun.. Mag diwang ulit.. hahaha parang tanga lang eh noh.. tsk.. yan ang magagawa ng stress, at ng pain. Kung anu anu na lang ang sinasabi at iniisip. Kung may nakakabasa lang nga siguro ng isip ko baka hulihin ako at ikulong sa rehab, parang adik lang eh.. La Iya beach... Here I come.. Malunod sana lahat ng nararamdaman kong sakit para pag nag start ako mag hundle next week ng company ay okay na okay na ako. I want to start my life again with out the pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD