Kimberly Marquez ILANG araw ang lumipas, sinabi sa amin ng aming guro ang tungkop sa darating na school festival. Naging abala ang lahat lalo na kami ni Seven dahil kailangang umisip ng class namin kung ano ang gagawin sa darating na festival. Dahil magkaiba ang interest ng aming class, nahati sa dalawa ang aming gagawin. May ibang gustong gumawa ng haunted house at ang iba naman ay magkaroon ng milk tea shop. Parehong walang gustong magpatalo kaya nagdesisyon kami ni Seven na sabay na lang ding gawin ang bagay na ito, sana lang, malaki ang kitain ng class sa dalawang programa na ito. Ang kikitain kasi ng class namin ay mapupunta sa napili naming charity. Sa paglipas ng araw, tulad ng naging plano, dumating ang araw ng festival. Abala ang lahat at hands-on sa mga activity na napili. S

