Kimberly Marquez NAKAPALUMBABA habang diretsong ang tingin ng aking mga mata sa blackboard ng classroom. Kahit nakatingin ako rito, hindi pumapasok sa aking isip ang mga bagay na tinuturo ng aming professor. Hindi ko alam kung bakit, ngunit paulit-ulit na pumapasok sa aking isip ang hitsura ng babaeng nakita ko sa screen ng laptop ni Seven. Alam kong wala akong karapatang mag-isip ng kung ano, ngunit hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kirot sa aking puso, isang bagay ma hindi ko malaman kung bakit ko nararamdaman. Napabuntonghininga ako nang maalala ko na naman ang bagay na iyon. "Ms. Marquez, may problema ba?" pagtawag sa aking atensyon ng aming guro. Nanlaki naman ang aking mga mata nang ma-realize ko ang pagtawag niya sa 'kin. "P-Po?" nauutal ko pang pagdagot. Nagpamewang an