Kimberly Marquez MABILIS kong pinikit-pikit ang aking mga mata at umiwas ng tingin kay Seven. Sa mga oras na ito, wala na akong kawala sa mga nais niyang itanong sa akin. "Ano na namang kalokohan 'yang pinagsasasabi mo," wika ko sa kanya habang sa iba nakatingin ang aking mata. "Hindi ako nagbibiro, Kim." Umalos siya ng upo at tumingala sa malayong kisame. "Ewan ko rin ba sa nararamdaman ko. Hindi naman ikaw ang tipo kong babae. Hindi ako nagagandahan sa 'yo. Hindi rin ako interesado sa ugali mo. Pero bakit nga ba ikaw pa?" wika niya. "Alam mo, ikaw. Hindi ko alam kung iniinsulto mo ko o pinupuri. Sapak gusto mo?" iritable kong wika sa kanya saka inikot ang aking mga mata. Isang malakas na tawa ang narinig ko mula kay Seven, dahilan upang kumunot ang aking noo. "Siguro 'yang kapranin