Kimberly Marquez ISANG BAGONG araw sa opisina. Ang lahat ng aking mga katrabaho ay sinusundan ako ng tingin habang ako ay naglalakad papasok. Naiilang na nga lang ako dahil sa mga pagbato ng tingin nila sa akin. Marahil ay hindi sila makapaniwala sa nalaman at hindi ko rin naman sila masisisi. Pinilit ko na lang na ingiti ang aking labi saka yumuko bilang pagbati sa mga ito. Hanggang sa maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa aking station. Pakiramdam ko ay napakahaba ng bilakad ko patungo rito kahit ang totoo ay halos ilang hakbang lang naman ang layo ng aking upuan sa entrance door ng department namin. Sa pag-upo ko sa aking station, tila pagod na pagod kong sinandal ang likod sa backrest ng upuan. "Pagod na pagod, ha? Para ka nang celebrity. Grabe ang curiosity ng mga tao sa 'yo,