Kabanata 34 Kinusot ko ang mata ko ng maalimpungatan ako..bigla kasi akong nagising. Pikit ang isang mata na nilingon ko ang bintana. Madilim pa. Nakakarinig pa ako ng maraming kuliglig. Ibig sabihin, maaga pa talaga. Bumalik ako sa paghiga. Hindi ko alam kung anong oras na, pero nagising agad ako. Hinila ko ang kumot ko papuntang hanggang leeg. Alas nuebe na ako hinatid ni Romulo kagabi. Pagdating ko nga ay tahimik Sila Ila at Oli, pakiramdam ko may nangyari. Nag away ata sila. Wala na naman kasi si Virgie. Siguro ay nag alala rin. Nilingon ko ang kabilang higaan. Wala pa siya. Hindi siya umuwi? Saan naman kaya siya nagpunta? Kasama kaya niya si Ariel? Naghikab ako. Iniisip ko tuloy, dapat ay hinintay ko nalang si Virgie, kahapon. Dapat sinabay ko na lang siya pauwi. Medyo magulo