Kabanata 36 "Chippy.. Lumbas ka na diyan, kailangan mong kumain." tawag sa akin ni Mona mula sa labas. Pinunasan ko ang luha na hindi pa maubos ubos.. Hindi ko siya pinansin. Kahapon pa ako hindi kumakain nung isang araw pa, pero ayaw ko pa rin kumain ngayon. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin, tutal ay pakiramdam ko naman ay namatay na rin ako. "Chippy, kumain ka na!" Hindi mawala sa isip ko si Romulo, Sana pala sinabinio na sa kanya ang lahat nung may pagkakataon pa ako. Dapat pala hindi na ako naghintay ng tamang pagkakataon, dapat nung gabi palang na 'yon ay sinabi ko na lahat. Ang dami kong sinayang na oras. Ngayon nag sisisi ako.. "Ang tanga tanga tanga ko.." "Ang dami ko pa kasing artihan.. Ngayon, wala na.. wala na siya." "Chippy, natatakot na ako ah? Ano ba ang pr