Kabanata 49 "Goodmorning, Chippy!" bati sa akin ni Francis. Nasa garden kasi kami ngayon nag aayos na para sa magiging party niya mamaya. Dito lang sa garden gaganapin dahil iilan lang naman daw ang inimbita niya. Mabuti naman. "Goodmorning." bati ko at nilagay na ang huling aspili sa kurtina na kulay green. Sa gilid nun ay mga lobo na rin na kulay gold nakalagay. "How's your day?" "Pagod siyempre, may paparty ka pa kasi." sagot ko. Humalakhak naman siya. Napairap ako. Anong nakakatawa? Seryoso kaya ako doon. "Palabiro ka talaga! Anyways.. May nilagay ako sa room niyo, isuoy ninyo iyon mamaya, you're all invited." Hinarap ko siya pagkatapos kong pagpagan yung lamesa. "Bakit naman kami invited?" "Why not? Ano ba Chippy, ang aga aga masungit ka na kaagad." "Para san ba 'tong part