Kabanata 11
Hindi ko alam kung anong naisipan ni Gema at nag aya siyang kumain kami rito sa labas. Pero kung ano man 'yon, ang galing niya. Bakit hindi ko maisip na kumain dito habang nakatanaw sa magandang tanawin na ito? Tanawin na kulay green at brown lang ang makikita. Nabubusog na ang tiyan ko, nabubusog din ang mata ko.
"Napapansin ko lang.." ani ni Artemio na nakaagaw sa pansin ko. Nakatingin siya sa akin, kaya malamang ako ang kinakausap niya.
"Gustong gusto mong tinititigan ang kalikasan."
Tumango ako at inilagay ang kamote sa dahon ng saging. "Oo, wala na kasing ganito sa amin. Bibihira ka na lang makakita ng mga ganitong grupo ng mga puno."
"Bakit? Wala bang mga puno sa lugar ninyo?"
"Merong mga puno." saglit akong natawa sa naisip. "Puno ng building."
"Gusali? Ang ibig mong sabihin?" tanong ni Artemio. Bigla naman akong namangha sa kanya.
"May alam ka rin pala na salitang english." natutuwang sabi ko.
"Oo. Minsan kong narinig ang salita na iyon sa mga nag uusap na dayuhan. At isa pa, nakapag aral ako. Nahinto nga lang ngayon."
Napatango ako at muling sumulyap sa magandang tanawin.
"Saan ka nakatira?" kapag kuwan'ay tanong niya.
Napaisip naman ako. Baka kasi pag sinabi ko na sa 2000's ako tapos napdpad lang ako sa lumang panahon ay pagtawanan niya lang ako. Baka isipin pa noya na nababaliw na ako at kung ano ano ang pinag iiisip.
"Sa..present!" sabi ko na lang.
"Present? Dito rin ba 'yon sa albay? Wala akong alam na lugar na present ang pangalan."
"Hi..ndi! Ano..sa malayo pa yun!"
"Kabisado ko ang buong albay,"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya ng magsalita si Gema ay laking pasalamat ko talaga sa bata na 'to! Niligtas niya ako! Baka kasi akung ano pa ang masabi ko.
"Manoy, hindi taga dito sa atin si Manay Chippy.. Nadala lang siya dito ng dahil sa kaguluhan."
Tumango ako at sumang-ayon. "Tama si ..Gema."
"Ganoon ba? Ang buong akala ko ay taga rito ka," Aniya pa. "Nakakalungkot naman ang kinahinatnan ng lugar ninyo kung ganon. Para sa akin, Puno ang pinakamatibay na sundalo ng bansa. Maaari rin silang maging puntahan ng tao sa oras ng pangangailangan, sila lang ang may kakayahan na magpawala ng baha na dulot ng ulan, na hindi kailanman magagawa ng tulad nating tao."
"Tama ka nga," sabi ko at napahinga na lang ng malalim. Tama naman lahat ng sinabi niya, lalo na yung nakakalungkot ang kinahinatnan ng lugar ko. Which is, yung present. Kung ikukumpara kasi, oo mahirap ang buhay ngayon dito dahil hindi pa malaya ang mga tao, halos lahat sa kanila ay hindi man lang nakatungtong ng high school. Hirap rin sa pagkain at salat sa kagamitan,
Oo nga at may kalayaan kami, may maayos na kagamitan at Hindi nagkukulang sa pagkain, Pero kung iisipin, kahit pa civilized na ang bansa ngayon, kahit pa may kalayaan na, mas kaawa-awa pa rin pala talaga ang nangyayari sa panahon ko, kahit pa marami ng tao ang nakapagtapos ng pag aaral ay hindi mo pa rin matatawag na matalino ang bansa. Ang kalayaan na pinagkaloob ng mga bayani ay masyadong sinasamantala ng iilan, mayroon pa ngang bihis na bihis, naka tuxedo pa nga, pero magnanakaw lang naman.
Ginagamit ang salita na "karapatan" at "kalayaan" upang magamit na dahilan sa kabobohan. Binubully pa ang kapwa pinoy na akala mo'y perpekto pero hindi rin naman.
Ewan ko ba, kung pwede lang lumipat sa jupiter, dun na lang ako. Forever.
"Pag umalis na ang mga dayuhan, puntahan natin ang lugar ninyo, manay! Tutulungan ka namin magtanim para naman umaliwalas na ulit ang kalikasan sa lugar ninyo, diba Gallardo?!"
Tumango naman si Gallardo habang kagat kagat ang mais.
"Mukhang matatagalan pa 'yon.." sabi ko. Sa nakikita ko kasing nangyayari ngayon, marami pang dayuhan ang natitira at palagay ko, masyado silang upgraded. Biruin mo, baril Vs. bolo at itak. Patakbo pa lang ang kababayan natin, nabaril na agad.
"Nagkakamali ka." sabat ni Artemio kaya napatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Marami nang sumuko sa mga dayuhan. Hindi dahil sa takot, kung hindi sa pagod. Ilang taon rin tayong sinakop ng iba't ibang dayuhan ngunit hindi tayo sumuko, kaya pa ng katawan ang lumaban, ngunit hindi na maatim ng isipan na lalaki ang mga anak nila sa magulong bansa. Kaya ngayon, alam ko na ang mga tao ay pagod na sa pakikipaglaban at gusto na lang ng katahimikan."
Napanganga ako..