Kabanata 29 Nakatanaw ako sa mga sasakyan na nakaparada sa parking habang hinihintay sila Ila. Ala sais na at madilim na, kinukuha na lang nila yung gamit ko sa locker room. Dapat kasi ako ang kukuha nun, kaso nag presinta sila na sila na lang at maupo muna ako. Kaya nandito ako ngayon. Napangiti ako ng makita ko si Ariel sa salamin ng office niya, nakatayo siya at may kausap na babae, kilala ko iyon e. Siya yung manager na pinakilala nung nakaraan. Mukhang busy talaga ngayon.. In demand daw kasi yung kornik ngayon sabi ni Virgie, kaya pala nag uumapaw yung mga gawa ngayon. Ininat ko yung paa ko. "Haay..sarap.." hindi mapigilan na sabi ko ng maginhawaan ang paa ko. Maayos na nakadaloy ang dugo.. Ang buong akala ko ay hindi ko matatapos ang nasa lamesa ko dahil sa sobrang dami, pero