kabanata 25

1128 Words
Kabanata 25 Medyo magaan na ang dibdib ko. Hindi na katulad kanina na parang may isang toneladang bulak ang nakadagan dito. Para bang nakahinga na ako ng maluwag. Nakapag sorry ako sa kanya ng maayos at hindi nakasigaw. At isa pa, nag sabi na rin siya ng apology accepted. Ayos na yun. Okay na ako don. Kahit pa medyo sarcastic yung datingan ng tono niya, napatawad pa rin niya ako, same lang yun. Napansin ko lang na ang weird niya. Bilang lalaki. Napaka manly ng datingan niya, pero para siyang daisy na nag sasalita. Absurd pero, ang ganda niya kasi. Oo lalaki siya, pero yung hitsura niya, hindi sapat ang salitang gwapo o pogi bilang pang describe. Maganda siya. Maganda yung mukha niya, at ayun talaga yung fit na word sa hitsura niya. Matangkad siya at napakaganda ng bodyline niya. Kahit pa matangkad siya ay hindi naman ganon kalaki ang katawan niya, tama lang din. Yung body proportion niya yung pinapangarap ng ibang lalaki na kilala ko. Hindi malaki ngunit hindi maliit. Mas maganda pa nga siya sa akin e. Well, aminado naman ako na hindi ako kagandahan. Tapos kulang pa sa height. Pero! Malinis naman ako sa katawan. Hindi ako pabaya, mas inuuna kong bilhin ang Dove roll on, bago yung eyeliner ko. "Kumusta ang araw mo, Chippy?" tanong ni Ila nang naghahapunan na kami. "Ayos naman po." sabi ko at nilagyan na ng 'po' nabanggit kasi ni Oli na si Virgie pala ang pinabata dito. 25 na si Virgie. Hindi ko naman kasi alam e, nalaman ko lang kanina nung naglalakad kami at nakapag kwentuhan ni Oli. Nung dumating naman kasi ako dito ay wala naman kaming naging oras para makipag usap. Masyadong magulo para sa akin 'yong pag dating ko dito. Wala ako sa ulirat, at naninibago pa. Tapos kinabukasan naman ay ipinasok na nila ako sa trabaho. Kaya, wala na talagang oras na mag kalilanlan kami. "Tsaka nakapag sorry na rin ako kay Romulo. At..tinanggap naman niya.." nailang pa ako sa huli kong sinabi dahil nga hindi naman ako sure. "Mabuti naman kung ganoon." ngiti niya. "Mabait naman kasi iyon si Mulong, sa katunayan nga ay pwede kayo maging mag kaibigan." Napatango na lang ako at sinubo yung kutsara ko. Sa pag uusap pa lang namin kanina ay..alam ko na.. na hindi pwede. Malabo kami maging mag kaibigan nun. Kung masungit ako ay mas naman siya. Sa palagay ko nga ay, kaya niyang daigin so Miss. Minchin. "Mabait siya ano?" sali ni Virgie sa usapan. "At nabalitaan ko rin na nandoon sa office si Sir. Ariel, nakausap mo?" "Sa palagay ko ay hindi naman nakikipag usap 'yon sa mga tulad natin." ani ni Oli. Tinignan ko siya at umiling agad. "Hindi. Nakausap ko po siya kanina at magaan naman siya kasama. Palangiti rin siya." "Palangiti?" gulat na tanong ni Virgie. "Kapag nakakasalubong nga namin 'yon sa canteen ay akala mo siya lang ang tao na naroon. Hindi mo mangitian, palaging nakasimangot..pero gwapo pa rin naman..hihi." "Gusto mo?" Nanlaki yung mata ni Virgie. "Anong pinag sasasabi mo diyan? Hindi ko siya gusto no, at isa pa tingin mo ba papansinin ako ng katulad niya?" "Ang dami mo namang sinasabi.. tinatanong ko lang naman kung gusto mo pa ng adobong pechay, kung saan saan na nakarating 'yang imagination mo." Hindi ko mapigilan matawa sa pamumula ng pisngi niya. Maging sina Ila rin ay hindi napigilan ang pag tawa.. Napapailing pa nga sila e. "Ayan..nahuhuli ka sa sarili mong bunganga." Umismid naman si Virgie kay Ila. "Oh bakit? Bawal ba? Masama ba yung hangarin ko na makapangasawa ng mayaman?" Sabi niya na ikinabigla ko. So...ibig sabihin hindi niya gusto si Ariel. Nakakasad lang isipin na ginugusto niya si Ariel dahil sa ibang dahilan. "Bakit naman dahil don?" tanong ko. "Hindi ba pwedeng gusto mo siya kasi gusto mo? Wala nang ibang dahilan?" "Ay nako, Chippy!" aniya. "Ang mga katulad ng boss natin ay hindi tumitingin sa atin 'yan! Ang tingin niyan sa atin ay parang isang chewing gum! At isa pa.. sino ba may sabing mapapasaakin siya? Nangangarap lang naman ako, masama ba yun?" "Hindi naman siguro.. Isa pa, mabait naman si Ariel," Pagaksabi ko nun ay tinawanan ako ni Virgie at uminom ng tubig bago nag salita. "Mabait siya syempre, kasi napapakinabangan niya tayo e!" "At isa pa Chinese yun," si Ila naman. "Hindi sa kanila pwede ang mag asawa ng ibang lahi, lalo pa at may negosyo sila na iniingatan." "Ngunit may mga ilan naman akong kakilala na tsino na nakapag asawa ng pinoy." si Kuya Oli na nakikisali na rin. "Nasa paninindigan naman 'yan ng tao." "Sandali nga!" hiyaw ni Virgie. "Napakarami niyo namang sinasabi! Ni hindi alam ng tao na pinag uusapan natin siya! Humahanga lang naman ako dun sa tao, napakalayo na agad ng narating ng usapan niyo!" "Ito kasing si Chippy, napaka seryoso kausap!" "Si Romulo na lang!" ani Ila. "Tutal naman ay kapantay lamang natin 'yon. Pinoy din siya, kaya wala tayong poproblemahin sa mga magulang!" Pag katapos ng usapan na yun ay nag pasiya na kaming mag pahinga. Kaming dalawa ni Virgie ang magkasama sa kwarto habang si Ila naman ay may sariling kwarto at si Oli naman ay nasa sala natutulog. Tinignan ko si Virgie na mahimbing nang natutulog. Bumangon ako ay naglakad papunta doon sa lamesa para makaupo. Hindi kasi ako makatulog e. Ang daming laman ng isip ko. Syempre una na dun yung bakit ako nandito sa nakaraan? Panaginip ba 'to o nag time travel ako? Tapos naman pangalawa ay yung nangyari kanina. Naalala ko yung sinabi ni Romulo kanina.. Na magaan ako makipag usap kay Ariel dahil sa boss ko siya.. parang may laman kasi yun at kahit ayoko ay niintindihan ko ang kahulugan nun. Sinasabi ba niya na kaya ako nakikipag usap kay Ariel dahil mayaman at boss pa. Samatalang magaan ang pakikisama ko dahil magaan din si Ariel kausap. Hindi tulad niya na palagi na lang nakasimangot at matulis ang tingin. Yung akala mo napaka makasalanan mo ku g titigan ka niya. Sige nga, sino ba ang pipili ng kausap na palagi na lang nakasimangot? Syempre wala! ang palaging pipiliin ay yung palangiti. Uminom ako ng tubig sa baso at tumulala ulit. Ano kaya talagang problema ni Romulo.. Naiisip ko nga na masungit siya sa akin dahil na rin siguro sa first meeting namin. Binato ko ba naman yung cornik e. Pagkatapos pa nun ay ainabihan ko pa aiya ng masasamang salita. Kaya may dahilan nga siya.. Okay na yun. Hindi ko na lang siya papansinin if ever na mag krus pa ang landas namin, na posible kasi nasa iisang pabrika lang kaming nagtatrabaho e. Simula bukas pag iigihan ko na lang sa trabaho para kumita ng pera pandagdag sa pangbayad dito bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD