Kabanata 27 "Bakit hindi ka pumunta sa office?" Napalundag ako doon. Bigla na lang may nagsalita sa gilid ko. si Ariel na nakataas ang kilay. "Uy!" Sabi ko at umurong kaunti. Nandito kasi ako ngayon sa may malapit sa guard house. Break time namin ngayon para sa meryenda. At hindi na ako sumama kina Ila, dahil alam ko naman na hahanapin ako ni Romulo sa kanila. Isipin nun pinagtataguan ko siya which is totoo naman. Jusko! Napaka adik niya sa trabaho samantalang madami naman na ang nabalot ko kanina. "Bakit nga hindi ka pumunta sa office?" ulit pa niya. "Hindi kasi ako pinayagan ni Romulo, mag lunch break kanina.." "What?!" aniya na gulat na gulat. Nakanguso akong tumango. Parang bata man pero who cares? Ginutom ako ng lalaking yun kanina, kaya dapat lang na isumbong siya sa boss!